Stuffs here are my sample lesson plans (used and not used for demo teaching), school projects for my education courses, visual and instructional materials, daily records of my experiences as a pre-service teacher, my preparations for board exams, my future plans on my career, opinions on certain educational matters, reflections, and many more. Enjoy browsing and BE PROUD TO BE A TEACHER :)
Children learn most on meaningful activities
Monday, July 8, 2013
Tuesday, January 29, 2013
TAMBAK
tAMBAK PO ANG ICHE-CHECK KONG SULATING IMPORMAL!
ANG ARAL: KAPAG IPINAGAWA, TAPUSIN AGAD.. :T
ANG ARAL: KAPAG IPINAGAWA, TAPUSIN AGAD.. :T
Tuesday, December 18, 2012
Thoughtful Students
The perks of being a teacher :))
Look what I've received from my students! Thank You! that's soooo sweet of you. Merry Christmas! But the most precious gift I want to receive is a learning youve learned from me :)
Look what I've received from my students! Thank You! that's soooo sweet of you. Merry Christmas! But the most precious gift I want to receive is a learning youve learned from me :)
Saturday, December 15, 2012
22nd Oath Taking Ceremony -- Top 7 response/speech
To our dear guests, visitors, parents, friends ladies and gentlemen, a pleasant morning, and congratulations.Standing here in front is like standing in a bunch of fresh ripe fruits from the farm , and in freshly made products from the factory, ready to be delivered in the market. I smell the freshness that comes in your every smile, the relief and calmness in your faces and the excitement of becoming a part of the market, of the roster of what we call the noblest profession. We are indeed now an official part of this family. We are now a part of the busy market where life is sea of unexpected circumstances which are inevitable on the profession we choose to become a part.
I am sure that we are here not by chance. We worked hard for it..It's a combination of perspiration and preparation. In other words, we planned it.Whenever I am asked, "What's my secret why I landed on the 7th place?" I'll just answer them back "WTF" W means Willpower. If your really have the goal to top, then do something about it, or else it will just be a dream. No matter how busy I am, I really allot atleast an hour to review the things I ought to know. I dont really believe in luck. Succeeding somes from perspiration. Next, the T is Test taking skills. This skill is not inborn. It is learned. It's not enough to have what we call "stock knowledge". It is a product of continous reading and frequent mind exercise. I always challenge myself with analysis and rationalization. And last but not the least, the F. It is faith. Indeed, faith is the most powerful weapon that we must have. Nothing is impossible with our Lord. He never fails to listen to a sincere heart's desire. That is why whenever they say "Ang galing ko daw", I always say "Mas magaling si Lord." However, I realized that I should rearranged the letters to make it more positive. Instead of WTF which gives a not-so-good impression, it is better to make Faith as one of the reason why we are all here. If on the second time, somone would ask how did I passed with flying colors, I wil say "It's because of FTW like "For The Win". Faith-Test-taking Skills and Will. Whatever it may imply, the most important is that we have overcome the hurdles that made us of what we are.Let us remind ourselves that passing the licensure examination is not the end of proving ourselves as pprofessionals. It must remind us that this is the time we are going to be shipped to the market. It's a big market. This market might offer big opportunity for us to grow and to serve.In the next few days, or months or year we are going to face the school again.
However, the school we are going to face is different from the school we used to go few years ago. Gone are the era where teachers dominate the classrooms and textsnooks are our sylabus. Children of today lives in a digital world where interconnectivity is present, individuality is prevailing and collective learning is the trend. 21st century literacy requires creative ideas comunicated in new forms. The challenge for us, new teachers, is on how to boost children's creativity for them to respond to what the world needs. Since we have been feed by our college and universities on how to be an effective 21st century educator, I know that our roles shift into a facilitator of learning.This is a challenge. There maybe no monetary reward if we can do this, but at least, it makes us the teachers whose richness can reach eternity.Good dya and God bless us all.
me with my college classmate :)
Monday, November 26, 2012
To God Be the Glory! :))
I can't explain what I'm feeling right now. Alam ni Lord yan! Salamat po sa lahat ng inyong pagbati! Napakarami kong dapat pasalamatan. I'm so blessed dahil binigyan ako ni Lord ng supportive family, sina mama, papa, mga kapatid ko lalo na kay Ate Almira (na pinagmanahan ko daw?!), sa aking mga pinsan at mga tito at tita. Salamat kay Lord dahil binigyan ako ng mga masisiyahin at matutulunging mga
classmates mula 1-19 hanggang 4-7. Salamat din sa walang kapantay na paglalaan ng oras ng pagtuturo ng aking mga naging guro at professor sa PNU lalo na kay Maam Celia Ilanan, at sa lahat ng faculty ng DEE at sa lahat ng mga naging prof ko sa GenEd, ProfEd, CEC at sa SpEd. Salamat din kay Sir Luis Salenga,at sa lahat ng teachers na tumulong sa amin noong ST pa kami sa PES-Central. Maam Lilian Fidelson, pakisabi po kay sir, salamat! Salamat din sa mga naging kaklase ko, naging kaibigan ko at sa mga hindi ko kakilala pero bumabati din sa akin. Salamat sa mga maniniwala sa akin.. :) Sa mga kabatchmates ko, CONGRATS! professional Teachers na tayo! Salamat din siyempre sa mga co-teachers ko sa SPCM . salamat sa prayers! Sa mga hindi ko pa nabanggit, salamat din. Salamat kay Lord.. To God be the glory! Sa susunod na lang ung SONA ko. Salamat po talaga! :))
Tuesday, November 6, 2012
Ang mga Pangarap ng mga Bata
Nagpagawa
ako ng isang sanaysay ukol sa kanilang mga pangarap sa buhay. Nakakatuwang
isiping sa murang isipan ng mga bata, malinaw na sa kanilang isipan ang mga
bagay na nais nilang makamit. Unti-unti nang
nabubuo ang kanilang mga pangarap. Bilang isang guro na tumutulong upang
mapaunlad ang kanilang kaalaman sa akademya at maging sa tuntunin ng buhay,
nakakatuwang malamang halos lahat ay may magandang pangarap, hindi lang para sa
kanilang sarili, ngunit para sa kanilang pamilya at para sa iba. Malaki man o
maliit, madali mang abutin o hindi, simple man o bongga, halos lahat sila ay
hindi nag-atubiling ihayag ang mga nais nilang marating balang-araw. Ngunit ang
pinakanakakatuwa sa lahat, alam ng mga batang ito kung papaano nila ito
magagawa. Kung iisipin, sila ay mga bata lamang sa ikaapat na baitang ngunit
ang kanilang galing sa pagsasalaysay ang nagpatuwa sa akin. Bukod sa magaganda
nilang mga mithiin, napahanga ako sa galing nila sa pagsusulat.
"Ang bawat isa sa atin ay may minimithing
pangarap. Ang bawat bata marahil ay may isang pangarap na nais makamit sa
kanyang paglaki. Ang aking pangarap ay maging isang matagumpay na accountant at
magkaroon ng isang magandang hanapbuhay. Nais kong magkaroon ng magandang buhay
at maging mabuting anak na maipagmamalaki ng aking pamilya. Nais kong marating
ang maraming magagandang pasyalan sa iba't ibang bahagi ng mundo. Nais kong
malakbay ang daigdig.
Ang lahat ng ito ay aking
makakamit sa tulong ng aking mga magulang at sa patnubay ng Poong Maykapal.
Magsisiskap akong makapag-aral nang mabuti at tapusin ang aking pag-aaral
hanggang sa huli. Sisikapin king maging mabuting anak at mamamayan ng ating
bayan. – gawa ni Samantha
Fontanilla."
"Ang aking pangarap sa
buhay ay ang maging isang may-ari ng kompanya na ang produkto ay mga damit. Ang
aking nais kuning kurso sa kolehiyo ay Management. Ito ay aking nagustuhan
dahil ang aking kompanya ay maaaring makagawa ng damit para sa mga tao.
Nagustuhan ko din ito dahil pwede rin akong magdisenyo ng mga damit na aming
ibebenta. At ang isa pang dahilan na ito ay aking gustong propesyon ay dahil
gustong maranasan ang pakiramdam ng isang boss.
Wala akong nais tularan sa aking
gustong maging propesyon dahil mayroon akong sariling paraan king paano maging
maunlad. Makatutulong ako sa bayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng damit sa mga
nangangailangan at mabibigyan ng pera ang mga empleyado na nagtatrabaho sa
kompanyang aking gustong mabuo. Matutupad ko ang aking pangarao kapag ako ay
magsisikap at mag-aaral nang mabuti. Mas lalo kong gagalingan sa paaralan kapag
may suporta sa aking mga magulang, kamag-anak at mga kaibigan. Kung hindi ko
makakamit ang aking pangarap na ito, handa ako dahil mayroon pa akong ibang
pangarap sa buhay. – gawa ni Ann Margaret Legaspi."
Bawat tao ay may pangarap sa
buhay. Lahat ay gagawin matupad lang ito, maliit o malaki man. Sa aking
paglaki, nais ko maging isang F1 driver. Sa ngayon, ang aking idolo ay si
Fernando Alonso ng Espanya. Siya ay nagmamaneho para sa Ferrari Team at mayroon
siyang 2 kampeonato sa kasalukuyan.
Ninais kong maging F1 driver sa
kaing paglaki upang makilala bilang unang Filipino F1 driver at magkamit ng
kampeonato. Sa ganitong paraan, magbibigay parangal ito sa ating bansa at
mabibilang tayo na mahusay sa larangan ng motorsports. Mag-aaral akong mabuti
upang makapagtapos at makamtan ang aking pangarap sa buhay. Nawa'y magsilbing
inspirasyon ako sa mga sususnod na henersyon. – gawa ni Nikolo Andre
Galang"
"Minsan ko lang maisip sa
buhay ko ang tungkol sa aking pangarap. Kahit sinasabi sa akin ng aking ina na
mahirap yun, yun pa rin yung gusto ko maging isang robot inventor.
Hindi ko alam kung bakit pero
ito ang napili ko. Isang Robot inventor. Isang robot inventor na maging tanyag
sa buong mundo. Isang robot inventor na gagawa at mag-iimbento ng mga robot na
makatutulong sa pag-unlad ng bawat mamamayan lalo na sa mga Filipino.
Balang-araw, magiging robot
inventor ako. At sa pamamagitan ng robot, na inimbento, magiging maunlad ang
buhay ng tao. – gawa ni Jarius Macogay"
"Gusto ko maging isang
manunulat. Maganda kaya ang aking buhay pag ako ay maging manunulat? Gusto ko
sana gumawa ng isang libro at ibahagi sa ibang tao.
Gusto ko maging isang manunulat
dahil mahilig akong magbasa. Marami rin akong natutunan at nasi ko rin ibahagi
sa iba. Ang mga taong nais kong tularan ay sina Geronimo Stilton at Thea
Stilton na parehong magaling na manunulat.Hihikayatin ko ang mga kabataan na magsulat at magbasa ng libro,
mapahayag ang katotohanan, mahahalgang pangyayari at maging mabuting
inspirasyon at halimbawa sa iba.
Ako ay magsisikap mag-aral ng
mabuti at pinakamahalga ay ako ay magtatapos sa aking pag-aaral. Naniniwala ako
na isa ako sa pag-asa ng bayan. Kaya't tutuparin ko ang aking mga pangarap.
Gagawin ko lahat para matupad ito. – gawa ni Day Soleil Parong."
Kaya naman, sigurado ako na maabot nila ang kanilang mga pangarap.Natutuwa talaga ako dahil punong-puno sila ng pangarap. Ito naman talaga ang gusto kong mangyari, ang matuklasan at isipin nila ang kanilang hinaharap habang bata pa. Sa buhay kasi, ang taong may direksiyon ang siyang nakakabatid ng tunay na halaga ng buhay.
Subscribe to:
Posts (Atom)

































