Noong bata pa kami, ni hindi naming
nababati ang mga guro naming ng Happy Teachers Day. Hindi pa yata uso noon ang
mga ganitong ek-ek. Pero at least, alam ko sa sarili ko na lagi akong may
regalo sa kanila--- ang maging mabait at masigasig na estudyante araw-araw.
Ngayon, dala-dala ko pa rin ang regalo ko para sa kanila—ang pagiging
matagumpay ko sa buhay na kakabit nito ang kani-kanilang mga pangalan sa aking
puso.
Ngayon naman, ganap na akong titser. Co-teacher ko na ngayon
ang mga guro ko noon. Pare-pareho na rin kami ng natatamong pagbati tuwing
Teachers’ Day. Gayundin, pagkatapos ng Teachers’ Day, par-pareho na rin kami ng
tatamuing sakit ng ulo dahil sa mga estudyante.
Happy nga ba kaming mga guro? Siguro ngayong araw na ito.
Dahil sa araw na ito, nararamdaman naming appreciated din naman pala kami ng aming
mga estudyante. Dahil sa araw na ito, wala kaming aasikasuhing klase, o kaya
susulating Daily Lesson Log at gagawing instructional materials. Kahit isang
araw lang, napapangiti kami ng mga batang halos kalahati ng buhay nila ay kami
ang kanilang kasama.
Sa dami ng pasanin ng mga guro, tumitingin na lang ako sa
mas magandang parte ng buhay. Darating din ang panahong matututo ang mga batang
ito upang maging maunlad sila sa buhay. Kasi bilang isang guro, hindi naman
material na bagay ang hangad naming mula sa isang estudyante. Tanging nais naming
ay makita silang matagumpay sa mga larangang binagtas nila. O, kahit magkaroon
sila ng simpleng buhay pero nabubuhay sila nang marangal dahil sa aming mga
turo.
Pero ang pinakanarealize ko sa lahat, sa kabila ng mga ‘galit’
o galit-galitang ipinapakita naming sa kanila habang sila ay hindi nakikinig sa
amin tuwing klase, handa pa rin nila kaming pasiyahin kahit isang araw lang.
Sa pagtatapos ng araw na ito, ako naman ang magpapasalamat
sa lahat. Salamat sa PTA Officers ng Telbang Elementary Schoo, SPG Officers ng
paaralan, mga magulang at mga estudyante, maraming salamat. Ang hiliing ko
lang, hindi lang iisa ang araw na dapat niyo kaming pasiyahin. Sa mga simpleng
pagpapakita nyo ng pagiging masigasig sa pag-aaral, napapangiti niyo na kami
nang lihim.
No comments:
Post a Comment