Isang Hakbang na lang, Wag nang | for you |
Kung sa hagdanan ng tagumpay at buhay, kung saan sa pinakahuling baitang naroon ang pinakamatutulis at pinakamadudulas na bato, papayag ka bang madulas at masaktan ? Natural Hindi. halos abot-kamay mo na ang pagkakataon diba?
Paano ba yan, gagaraduate na ako ngayong taon. ilang tulog na lang, ilang araw ng pagpupuyat at pagsususnog ng kilay, pati ilang pagsusunog ng tiyan, makakatapos na rin ako sa wakas. Pero kahit na iilang araw na lang ang dapat bilangin, di pa rin maalis sa isip ko kung ano ang mangyayari sa akin pagkatapos kong kumawala sa buhay-estudyante.
Sa aking kurso, di na talaga mawawala ang paaralan sa akin. Nagtapos ako sa paaralan, ngunit papasok ulit ako sa paaralan. Ang kaibahan nga lang, pagkapasok ko sa paaralan, ako na ang may-ari ng klasrum. Ako na ang boss. Di na ako matatakot sa mga guro dahil kabilang na rin ako sa kanilang lahi. Ngunit tutulad nga ba ako sa lahi ng di-iilang mga guro na aking kinakatakutan noon?Marami ang mga bagay na bumabagabag sa aking isipan sa ngayon. Maraming-marami. At isa na doon kung anong klase akong guro sa hinaharap.
Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko sa ngayon. Parang walang kasiguraduhan ang lahat ng aking ginagawa. Sa tatlong taong paghahanda ko, ngayon ko lang naranasang mag-alinlangan sa hinaharap. Alam na alam ko namang di nagkulang sa pangaral ang aking pamantasan, Sa katunayan, ibinigay na lahat-lahat ng aking mga propesor ang lahat ng kanilang nalalaman para maihanda kami sa tatahakin naming landas. Di sila nagkulang sa pagpapayo at pagbibigay ng kaalaman sa lahat ng bagya na may kinalaman sa pagiging guro.
Hindi ko rin namang masasabing ipinilit lang ako sa kursong ito ng ninuman kaya ganoon na lang ang pagkawala ng aking gana, Sa lahat ng pamantasang aking pinaplanong pasukan, laging Bachelor in Elementary Education ang laging nasa una sa listahan. Mula pagkabata, ito na talaga ang gusto ko. Ngunit bakit parang nawawalan na ako ng motibasyon? Wala naman akong masamang ginagawa? Di naman ako nagloloko?
Kailangan ko talagang pag-isipan ang lahat. Isang hakbang na lang para makarating ako sa tuktok. Alam kong may kulang sa akin at kailangan ko iyong hanapin. Kelangan kong maibalik iyong bagay na naiwala ko o kelangan kong hanapin ang bagay na kulang sa akin.
Kinakain ako ngayon ng guilt. Kumakayod pa naman ang aking magulang para sa aking pag-aaral. Ayokong balewalain ang lahat ng iyon. Ayoko silang mabigo. Ayoko silang madisappoint sa akin.
Kelangan kong mag-isip. Kelangan kong gawin ang mga dapat gawin.
No comments:
Post a Comment