Children learn most on meaningful activities

Saturday, April 28, 2012

Sample UBD Unit Plan in Makabayan 3


Unit Title:
Ang Mga Ninunong Nandayuhan
Subject
Makabayan
Grade:
3
 Designer:
Reynaldo, Alma



Stage 1: Desired Results

Established Goals:
  • Nakikilala ang mga ninunong nandayuhan sa Pilipinas
  • Nailalarawan ang likas at kantagi-tanging ugali ng mga unang Pilipino/ ninuno

Essential Questions:
What provocative questions will foster inquiry, understanding and transfer of learning?
Ang mga mag-aaral ay inaasahang masagot ang mga sumusunod na tanong:
  • Bakit kailangang malaman ang pinagmulan ng lahing Pilipino?
  • Sa uri ng pamumuhay ng mga ninuno, alin ang iyong tutularan? Bakit?
  • Paano mo maipagmamalaki ang lahing pinagmulan ng mga Pilipino?

Understandings:
What are the big ideas?
Ang mga mag-aaral ay maiintindihang:
  • Ang mga dayuhang dumating sa Pilipinas ay nanirahan at namuhay ng matagal na siya nating tinatawag ngayong ninuno.
  • Iba-iba ang katangiang pisikal n gating mga ninuno dahil iba-iba ang lugar na pinanggalingan nila.
  • Iba-iba ang katangian, pag-uugali at pamumuhay ng mga Pilipino ayon sa ninunong pinanggalingan nila.
  • Ang katangian, pag-uugali at pamumuhay ng mga Pilipino ay nagbabago dulot ng globalisasyon
Students will know…
            What key knowledge and skills will the learner acquire as a result of this activity?
Ang mga mag-aaral ay malalamang ang:
  • Katangian, pag-uugali at pamumuhay ng mga ita o negrito
  • Katangian, pag-uugali at pamumuhay ng mga Indones.
  • Katangian, pag-uugali at pamumuhay ng mga Malay


Students will be able to….
           What should the learners be able to do as a result of such knowledge?
Ang mga mag-aaral ay magagawang:
  • Mailarawan ang pisikal na katangian ng mga negrito, indones at malay.
  • Maiklasipika ang ilang kaugalian at pamumuhay natin ngayon kung saang pangkat natin ito namana.
  • Masabi ang kahalagahang malaman ang pinagmulan ng lahing Pilipino.
  • Makagawa ng exhibit ng mga ambag ng bawat pangkat



Stage 2:  Acceptable Evidence


Performance Tasks
  • Igughit ng mga mag-aaral ang mga ita, indones, at malay
  • Ililista ang mga kaugalian at namanng kaugalian ng mga ita, indones at malay.
  • Gagawa ng exhibit na nagpapakilala sa ating mga ninuno.


Other Evidence
  • Maikling pagsusulit
  • Pagsagot sa mga tanong na nasa Essential Questions


Student Self-assessment and Reflection

  • Sagutin ang tanong: Bakit kailangan nating malaman ang pinagmulan n gating lahi? Anong ang maidudulot nito sa ating buhay?



Stage 3: Learning Experience Plan

  1. Magsisimula ang klase sa paglalarawan ng kani-kanilang pisikal na katagian.
  2. Tatanungin kung saan sila naninirahan, taga-saan ang kani-knilang mga nagulang o mga magulang ng knailang magulang.
  3. Babasahin ng guro ang kwento ng mga sinaunang tao.
  4. Magpapakita ng larawan ang guro ng ,larawan ng mga Negrito. Ilalarawan naman nila ang mga ito.
  5. Iti-trace ng mga mag-aaral kung saan sila nagmula hanggang makarating sa Pilipinas.
  6. Tatalakayin sa klase ang mga naiambag ng mga Negrito sa pamumuhay ngayon.
  7. Magpapakita ng larawan ang guro ng ,larawan ng mga Indones. Ilalarawan naman nila ang mga ito.
  8. Iti-trace ng mga mag-aaral kung saan sila nagmula hanggang makarating sa Pilipinas.
  9. Tatalakayin sa klase ang mga naiambag ng mga Indones sa pamumuhay ngayon.
  10. Magpapakita ng larawan ang guro ng ,larawan ng mga Malay. Ilalarawan naman nila ang mga ito.
  11. Iti-trace ng mga mag-aaral kung saan sila nagmula hanggang makarating sa Pilipinas.
  12. Tatalakayin sa klase ang mga naiambag ng mga Malay sa pamumuhay ngayon.
  13. Sasagutin ng mga estudyante ang mga tanong mula sa Essential Questions.
  14. Magkakaroon ng maikling pagsusulit.
  15. Para sa enrichment activity, ililista ng mga mag-aaral ang mga kaugalian at namana sa mga Ita o Negrito, Indones at Malay.
  16.  Iguguhit ng mga mag-aaral ang mga Negrito, Indones at Malay.
  17. Ang mga gawa ng mga mmag-aaral ay ididisplay sa kanilang gallery bilang isang exhibit.





No comments:

Post a Comment