Balakubak
Paano k aba tatanggalin
sa aking ulo
At tila
nananahan ka na’t di na naglaho?
Kung sana’y
kabutihan ang dulot mo
Di sana’y
hindi ako problemado
Ang sarap
ibaon ng kuko ko sa iyo
Paurong-pasulong,
paroo’t parito
Kapara nito’y
kumahog na araro
Matanggal
lang ang kating likha mo.
Ngunit tuwing
kinakamot iyong kati
Kay sarap ulit’ulitin
kahit namemeste
At
pagkatapos ditong makamot ng daliri
Saka magsisislabas
ang di nais na puti.
Ano bang
dahila’t nananahan ka sa ulo ko?
Sa dami ng
tao, bat sa ulo ko pa dumapo?
Araw-araw
naman akong nagshashampoo
Ikaw na yata
ang sinasabing forever ko.
No comments:
Post a Comment