Children learn most on meaningful activities

Friday, April 25, 2014

Rosas

Ang tulang ito ay ginawa ko noong kasgsagan ng pag-aapply ko bilang guro sa Alaminos City Division. Inatasan akong gumawa ng tula upang ma-validate kung totoo nga ba daw ang nilagay kong skills sa aking PDS.



 Rosas
Ni Alma V. Reynaldo

Umihip sa hardin ang  hanging malamig
Nang unti-unting bumukadkad ang rosas na marikit
Dalisay na ubod ang umusbong na pag-ibig
Na sinlinis ng tubig sa batis na tahimik.

Ang rosas na dumanas ng pag-ibig na matamis,
Ay tunay na nakaranas ng saglit na pagngiti.
Unti-unting bumalot ang nakakikilabot na pagtangis,
Na sing-ingay ng tubig na bumubulwak sa batis.

Ang yuming parang araw at nagliliwanag ang sikat,
Ay tila espadang sa puso ay sumusugat.
Ang haplos na dating sa puso ay sumusuyo,
Ay tila kurot sa pusong  nagdudulot ng dugo.

O, pag-ibig na tila nagdudulot ng sumpa
Sa mayuming puso ng isang dalaga.
Bumubulong, sumisigaw, nanunuot sa tainga.
Hinahampas ang talulot nito’t unti-unting nalalanta.

Kung pag-ibig ang lumisan sa umiibig nang wagas,
Ang talulot na mayumi’y talo ng tinik na matalas.
Maaring sa mata’y walang naidududlot na lagim.

Ngunit ‘pag dinama mo’y tumutusok nang malamim.

No comments:

Post a Comment