Children learn most on meaningful activities

Friday, July 6, 2012

Panunuring Pampanitikan sa "Mga Landas ng Pangarap"


Panunuring Pampanitikan sa
“Mga Landas ng Pangarap”
ni Agustin “Don” Pagusara
(Unang Gantimpala, Palanca Awards 2005)

Nagtagpo muli ang landas ng dating magkasintahan matapos ang mahabang panahon ng kanilang paghihiwalay. Sa muli nilang pagkikta, naalala ni Eric ang lahat ng pinagsamahan nila ni Iris, mula sa kanilang pagbabarikad, sa mga sandaling nagpupuyos ang kanilang damdamin, hanggang sa paglalakbay nila sa Mendiola at sa Plaza Miranda. Nagging malupit man ang tadhana sa kanilang dalawa, di pa rin maikakaila na may nararamdaman pa sila sa isa’t isa.
Isa ang kwentong ito sa mga natatagong kwento ng mga estudyanteng kalahok sa mga barikada noong panahon ng Martial Law. Gaya ng ibang kwento, kakikitaan din ito ng karahasan ng mga naghaharing-uri, partikular na ang panghaharas ng grupong tinatawag nilang Metrocom. Kung ating babalikan ang mga kwentong may kaugnay sa panahong iyon, ang kwentong ito ay tumutukoy din sa pakikibaka at madugong labanan na may halong kurot ng pag-ibig. Gaya ng iba, naroon ang dalawang magkasintahan,  magkasamang hinarap ang mga kalaban, at sa huli ay naghiwalay dahil impluwensyia ng mga magulang, na gaya ng nangyari kay Iris na ipinadala sa Amerika. Napakakaraniwan ng banghay ngunit ang mga salita ay makapangyarihan. Nagkakaron din ng bisa sa kaasalan dahil naroon ang pagiging matapang at masigasig na katauhan ni Eric, yaong nagpapakitang ng determinasyon sa paghahabi ng pangarap.
Isa sa napansin ko sa kwento ay ang paggamit ng talinhaga at malalim na Filipino – isang di karaniwang lenguwahe ng mga mag-aaral na nasa kolehiyo. Ngunit napanindigan din ng mga tauhan ang pagiging estudyante dahil sa paggamit ng Taglish. Ngunit higit pa doon, nakakalikha ng ibang impresyon sa mambabasa ang bawat salitang binibitiwan ng mga tauhan.
Ang maganda sa estilo ng manunulat ng kwentong ito ay ang paggamit ng point of view na nasa ikalawang panauhan. Animo’y ikaw si Iris na pinag-aaalayan niya ng kanyang pag-ibig at buhay. Punong-puno ito ng emosyon at nag-uumapaw ang damdamin ng tauhan na siya nating masasabing isang Romantisismong akda. Napatunayan din ito ng mga sensuwal na kaganapan sa dalawang tauhan.

1 comment:

  1. may kumpletong copy po ba ito ? kaylangan ko po para sa school, naka assign po kasi sakin ang akda na ito. Salamat sa makakasagot

    ReplyDelete