Thursday, August 18, 2011

Mala-Masusing Banghay Aralin sa EPP V


Banghay Aralin sa Edukasyong Pantahan at Pangkabuhayan 5

I.              Layunin:
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a.    natatalakay ang mga pagbabagong nagaganap sa isang nagddalaga at nagbibinata;
b.    naisasakatuparan ang wastong pangangalaga sa katawan sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata; at
c.    naipapakita ang pagtanggap sa pagbabagong nagaganap sa pagdadalaga at pagbibinata.

II.            Paksang Aralin:
a.    PAGDADALAGA AT PAGBIBINATA
b.    Sanggunian:
Galloso, Rosella N. Masayang  Pag-unlad, Maunlad sa Pamumuhay 5. Vibal Publishing House Inc. Quezon City. 2002
c.    Mga Kagamitan:  power point presentation, larawan ng mga bata, dalaga at binata

III.           Pamamaraan:
a.    Panimulang Gawain
1.    Pagdarasal
2.    Pagbati
3.    Attendance
4.    Cleanliness check-up
5.    Balik-aral
Sabihin kung paano o para saan ginagamit ang sumusunod:
·         Shampoo
·         Nailcutter
·         Tuwalya
·         Sabon
·         Cotton buds
·         Suklay
·         Panyo
·         Tooth brush
·         Toothpaste
·         Deodorant
6.    Pagganyak
Alamin kung sinu-sino ang mga tao sa larawan:
·         John Lloyd Cruz
·         Sam Milby
·         Daniel Radcliffe
·         Kim Chiu
·         Miley Cyrus
·         Kathryn Bernardo
·         Shaina Magdayao
·         Enchong Dee

b.    Panlinang na Gawain
·         Anu-ano ang mapapansin sa mga larawang ipinakita?
1.    Magpangkat-pangkat sa tatlo. Pag-usapan ng mga kagrupo ang mga katangiang nagbabago sa iyo o sa isang tao sa pamamagitan ng pagpuna sa mga larawang ipinakita kanina. Punan ang sumusunod na tsart. Maghandang ibahagi ito sa klase.
MGA PISIKAL NA PAGBABAGO
BABAE
LALAKI
1.
2.
3.


·         Anu-ano ang mga pagbabagong nagaganap sa mga babaeng nagdadalaga? Sa mga lalaking nagbibinata?

2.    Ilarawan ang mga sumusunod:
*binatang maramdamin
*batang palaayos sa katawan
*grupo ng kabataan
*kabataang nagrerebelde
·         Anu-anong mga katangian ang makikita sa mga larawan?
Folded Corner: Konseptong Dapat Tandaan:
ü	Ang  pagbabagong nagaganap sa katawan dulot ng aksyon ng pituitary glands.
ü	Ang mga pagbabagong nararanasan ng mga batang nasa gulang na 10-13 taon ay tinatawag na puberty
 







3.    Panoorin ang isang video clip ukol sa pagkakaroon ng buwanang daloy ng  mga nagdadalaga at panahon ng pagtutuli sa mga nagbibinata.
·         Bakit nagkakaroon ng buwanang daloy ang ga nagdadalaga?
·          Bakit kailangang mag patuli ang mga nagbibinata?
·         Dapat nang ikabahala ang ganitong panahon?
4.    Isa-isahiin ang mga paraan ng pangangalaga sa katawan sa panahon ng regla at kapag bagong tuli.

c.    Pangwakas na Gawain
1.    Paglalagom
·         Anu-ano ang mga pagbabagong nagaganap sa mga nagdadalaga at nagbibinata?
·         Paano natin panganagalagaan ang ating sarili sa panahon ng pagbibinata at pagdadalaga?

2.    Paglalapat
Gumawa ng islogan tungkol sa pangangalaga sa ating sarili, (pisikal man o emosyunal) sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata.

3.    Pagtataya

Pag-ugnayin ang mga salita sa hanay A at hanay B.
______1. Regal
______2. Pagtutuli
______3. Paglitaw ng galunggungan
______4. Pagkamaramdamin
______5. Pituitary glands
a.    Tawas
b.    Pagbabagong emosyunal
c.    Pag-aalis ng sobrang balat sa tunod
d.    Kumukontra sa paglaki ng katawan at pag-unlad ng pag-iisip
e.    Buwanang daloy o regal
f.     Pagbabagong pisikal ng lalaki


Isulat ang K kung katotohanan at O kung opinion ang mga sumusunod.
_______1. Iwasan ang pagkain ng maaasim at makakatas sa panahon ng regal.
_______2. Gawin ang mga dating ginagawang tungkulin sa bahay kung may regal.
_______3. Bawasan ang pakikipagkaibigan kapag may regal upang maiwasan ang dugo.
_______4. Manatiling nakahiga pag may regal.
_______5. Naiipon ang dumi sa kulubot na balat ng tunod kapag hindi nagpatuli.

IV.          Kasunduan
Magdala ng baby picture at kasalukuyang kuhang litrato.


Inihanda ni:
Reynaldo, Alma V.
IV-7 BEEd

1 comment: